Ang hirap umalis
Lalo pa't sana'y nang nakatayo at naghihintay
Nalimutan na kung paano maglakad
Tila may isang malaking bakal nakatali sa mga paa
Parang presong di makalayo
Bawat hakbang papalayo ay isang taga sa braso
Naglakad papalayo.
PInilit buhatin bakal sa paa
Mga taga sa braso pinilit maghilom.
Malayo na ang nalakad
Mga bakal sa binti di na iniinda
Mga sugat sa braso tuluyan na ding naghilom.
Boses mo'y naririnig pa rin.
Gustong kang lingunin
Gusto kang balikan
Kabado
Tibok ng puso'y bumibilis
Tinatawag mo'y pangalan ko
Patuloy ang paghakbang
Papalayo ng papalayo
Bawat hakbang bumibigat
Mga sugat sa braso'y nagsimulang mag dugo
TInig mo'y lumalakas
Tibok ng puso'y bumibilis
Pilit binibilisan, paglakad na hirap
Bumibigat ang bakal
Napapagal na mga binti
Patuloy ang daloy ng dugong mula sa sugat
Huminto
Huminto at nagpahinga
Huminga
Malapit na sa dulo
Hindi na lilingon muli
Titiisin ang bigat
Hahayaan ang dugo sa patuloy na pag-agos
Tatawirin tulay na makitid
Tutungo sa dulo
Sa dulo
Sa dulo kung saan may nag-aabang
Sa dulo
Sa dulo kung saan may magtatanggal ng mga bakal sa binting pagal
Sa dulo
Sa dulo kung saan may gagamot ng mga sugat.

klaubette