Tuwing makikita ka
Ngiti'y gumuguhit
Sa mga labing walang nais
kundi ang dumampi sa iyo
Tuwing makikita ka
tibok ng puso'y walang tigil
bumibilis na tila hinahabol
Sinisigaw pangalan mo
Tuwing makikita ka
pilit winawaksi pag-ibig na wagas
Tuwing makikita ka
tanong sa sarili
hanggang kelan ka mamahalin ng palihim?
Tuwing makikita ka
dalangin sa langit
makasama ka
Tuwing makikita ka
pinipikit mga matang ikaw lamang ang na aaninag
Tuwing makikita ka
matahang hinahaplos
mga larawan mong buhay
Tuwing makikita ka
iniisip ng maigi
kailan nga ba?
Kailan matatapos
ang pagkikita
ang paghaplos
ang mga halik
ang mga ngitian at pag-uusap
na sa panaginip lamang?
Ngiti'y gumuguhit
Sa mga labing walang nais
kundi ang dumampi sa iyo
Tuwing makikita ka
tibok ng puso'y walang tigil
bumibilis na tila hinahabol
Sinisigaw pangalan mo
Tuwing makikita ka
pilit winawaksi pag-ibig na wagas
Tuwing makikita ka
tanong sa sarili
hanggang kelan ka mamahalin ng palihim?
Tuwing makikita ka
dalangin sa langit
makasama ka
Tuwing makikita ka
pinipikit mga matang ikaw lamang ang na aaninag
Tuwing makikita ka
matahang hinahaplos
mga larawan mong buhay
Tuwing makikita ka
iniisip ng maigi
kailan nga ba?
Kailan matatapos
ang pagkikita
ang paghaplos
ang mga halik
ang mga ngitian at pag-uusap
na sa panaginip lamang?
entry originally posted @ bettylicious.blogdrive.com


0 listened:
Post a Comment